Ex-Sen. Miriam Defensor-Santiago, balik-ICU



NAGBALIK muli sa intensive care unit (ICU) sa St. Luke’s Medical Center-Global City sa Taguig si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago dahil sa kritikal na kondisyon nito.

Si Santiago ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit nitong Stage 4 lung cancer.

Ayon sa mga ulat, simula pa ng September 3 sa ICU si Santiago.

Matatandaang noong May 31 ng isugod sa ICU sa Makati Medical Center si Santiago dahil sa komplikasyon.

Na-diagnose si Santiago na may cancer noong taong 2014 at kalauna’y kanyang sinabi na nalabanan niya ang kanyang sakit.

Kasunod nito, dumanas ng anorexia si Santiago, na isa sa side effect ng kanyang gamutan.


Sa kabila nito, tumakbo si Santiago sa May 2016 presidential elections na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kanyang vice-presidential candidate.

Kaugnay nito, natalo siya sa nakaraang eleksyon kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte kasama ang tatlo pang presidential candidates. -30-

Ex-Sen. Miriam Defensor-Santiago, balik-ICU Ex-Sen. Miriam Defensor-Santiago, balik-ICU Reviewed by DUTERTE DDS on 2:35:00 AM Rating: 5

No comments:

Loading...
Powered by Blogger.