De Lima, itinangging nakipagrelasyon sya sa sinumang drug convict



Mariing itinanggi ni Senator Leila de Lima na nagkaroon siya ng relasyon o nakipagtalik sa sinumang drug convict.

Sa kanyang pahayag sa mga estudyante at faculty members sa Miriam College sa Quezon City, hayagang sinabi ni De Lima na hindi siya pakawala o malanding babae.

“I am not a bad and evil woman or a slut they are trying to portray the past few weeks” ani De Lima.


Giit pa ng senadora, hindi siya masama o evil woman na pinalalabas ng kanyang mga kalaban.

Aminado naman ang dating justice secretary na bilang tao ay nakagawa siya ng mga kamalian sa kanyang personal na buhay.


“Yes as a human being, as a woman, I have frailties, I have weaknesses, I’ve certain flaws. As a woman, I made mistakes in my personal life. And I’ve always considered my personal life as a private matter, it’s a sacred thing to me but now they are intruding and encroaching into my privacy,” dagdag ng senadora.

Pero nanindigan ito na hindi siya nagtaksil sa bansa, taliwas sa nais ng kanyang mga kritiko na paniwalaan ng publiko.

Nangangamba ang Senadora na paniwalaan ng mga tao ang mga negatibong isyu laban sa kanya na anya ay galing sa pinakamakapangyarihang lalaki sa bansa na tila patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte na nag-akusang sangkot ito sa droga sa bilibid.

Source: Dutertemedia

Loading...
De Lima, itinangging nakipagrelasyon sya sa sinumang drug convict De Lima, itinangging nakipagrelasyon sya sa sinumang drug convict Reviewed by DUTERTE DDS on 5:23:00 AM Rating: 5

No comments:

Loading...
Powered by Blogger.