Pres. Duterte, Pinatutukan Na Ang Kalusugan Ng Mga Mahihirap



Nakatuon na umano ang atensyon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matugunan ang kalusugan ng mga mahihirap sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Jean Ubial, nakatanggap na ang kanilang ahensya ng utos mula kay Pangulong Duterte na tutukan ang mga hirap sa buhay kung saan nangako ito na magbibigay ng sapat na pondo upang maisagawa ang mga proyekto para dito.

Sinabi rin ng kalihim na ang tinutukoy na pondo ni Pangulong Duterte ay huhugutin aniya mula sa Philippine Gaming Corporation (PGC) para sa mga proyekto ng kagawaran ng kalusugan.

Ilan umano sa mga proyektong nakahanda na para sa mga hirap sa buhay ay ang pagbibigay ng "Red Card" sa mga ito na maaaring gamitin ng kahit na sino upang agad na maasikaso sa mga ospital.
Samantala, bukod sa utos ni Pangulong Duterte ay talaga umanong nais ring masolusyunan ng DOH ang problema sa kalusugan ng mga mahihirap lalo pa't kulang na kulang aniya ang pasilidad ng mga pampublikong ospital.

Source: Newstrendph , Dyaryo


Loading...
Pres. Duterte, Pinatutukan Na Ang Kalusugan Ng Mga Mahihirap Pres. Duterte, Pinatutukan Na Ang Kalusugan Ng Mga Mahihirap Reviewed by DUTERTE DDS on 7:59:00 PM Rating: 5

No comments:

Loading...
Powered by Blogger.