I will resign! - Trillanes


MANILA, Philippines - “Magre-resign ako sa Senado ‘pag mali ang aking mga paratang na may hindi idineklarang P211 milyong deposito si Mayor Rodrigo Duterte,” mariing pahayag kahapon ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Sinabi ng senador na totoo, beripikado at tunay ang kanyang iniulat sa taumbayan tungkol sa “tagong yaman” ng nagpapakilalang malinis at simpleng namumuhay na alkalde ng Davao City.
“Ang pinanggalingan ng aking impormasyon ay mula sa mapagkakatiwalaang mga tao na nakaaalam sa mga deposito ng pamilyang Duterte sa Metro Manila,” sabi ni Trillanes.
Kanya ring inulit ang hamon sa tumatakbong kandidato sa pagka-pre­sidente na si Duterte na lumagda ito sa isang waiver o kasulatan na pumapayag bulatlatin ang kanyang BPI accounts “para malaman ng taumbayan kung sino ang nagsasabi ng totoo at sino ang sinungaling.”
Close Ad X

Naunang ibinunyag ng senador na aabot sa P211 milyong deposito sa bangko ang hindi idineklara ni Duterte sa kanyang SALN para sa taong 2014.
Pero personal na pinasinungalingan ng alkalde ang nasabing pagbubunyag at maging ang kanyang kandidato sa pagka-bise presidente na si Alan Peter Cayetano ay nagpahayag na “gawa-gawa lamang ni Trillanes ang kwento tungkol sa daan-daang milyong pisong deposito.”
Sa hamon na lumagda siya sa isang disclosure waiver ay mariin ang sagot ni Duterte na hindi niya papayagan si Trillanes na bulatlatin ang sinasabing bank account sa Julia Vargas avenue branch ng BPI sa lungsod ng Pasig.
“I will not play into their hands by issuing a waiver. The account is non-existent,” paliwanag ni Duterte, sabay bintang na “isang bayaran” ang senador, na nauna na ring tinawag ni Cayetano na isang “attack dog’ ng isang katunggali ni Duterte.
Inamin din kahapon ng alkalde na may nauna na siyang nilagdaang waiver, pero ‘yon umano ay hindi sumasakop sa partikular na BPI account na sinasabi ni Trillanes na may depositong P211 milyon sa pangalan niya at ng kanyang anak na si Sara.




Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newsfileph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

COMMENT YOUR THOUGHTS BELOW - - - -
I will resign! - Trillanes I will resign! - Trillanes Reviewed by DUTERTE DDS on 9:35:00 AM Rating: 5

No comments:

Loading...
Powered by Blogger.