Lolo at Lolang preso, bibigyan ni Duterte ng pardon ngayong kapaskuhan




Kinumpirma ni  Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang pagkalooban ng presidential pardon o executive clemency ang mga bilanggong edad 80 pataas ngayong kapaskuhan. Kasama rin umano sa mga bibigyan ng presidential pardon ang mga presong lagtas 40 taon nang nakakulong at ang mga may matinding karamdaman.

Ipinahayag niya ito matapos ang paggawad ng absolute pardon kay Robin Padilla sa kasong illegal possession of firearms.

READ: 'Absolute Pardon' iginawad ni Duterte kay ROBIN PADILLA

I am contemplating, we are preparing it. Lahat ng matatanda saka may sakit, iyung may rayuma na, hindi na makatakbo, 80 years old above -- kung gusto nila, kung may mauwian pa sila, I will grant them pardon also so that they could return home," pahayg ni Duterte.

"Iyung nakatira diyan nang 40 years or more, they deserve to be out," dagdag niya.
Sa pamamagitan din umano ng paggagawad ng pardon, mababawasan ang congestion o siksikan ng mga preso sa New Bilibid Prisons (NBP).

Inihahanda na din ng Department of Justice (DoJ) ang listahan ng mga gagawaran ng pardon anang pangulo.

Layunin ng pangulo na sa
Tuwing bago magpasko,karaniwang naggagawad ng pangulo ng bansa ng executive clemency sa mga piling bilanggo.

[Source]



Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newsfileph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

COMMENT YOUR THOUGHTS BELOW - - - -
Lolo at Lolang preso, bibigyan ni Duterte ng pardon ngayong kapaskuhan Lolo at Lolang preso, bibigyan ni Duterte ng pardon ngayong kapaskuhan Reviewed by DUTERTE DDS on 7:54:00 PM Rating: 5

No comments:

Loading...
Powered by Blogger.