Alagad ng Simbahan na si Fr. Roderict Yneco binaboy ang 16 yrs na dalagita




ALAGAD NG SIMBAHAN NUMBER ONE MAKASALANAN. Kalaboso ang tumatayong pari ng isang simbahan makaraang arestuhin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa reklamong panghahalay sa isang16-anyos na babae sa bayan ng Guiguinto, Bulacan.

 Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Theresa Mendoza-Arcega ng Malolos City Regional Trial Court Branch 17, inaresto ang suspek na si Roderick Yneco, 37, ng Brgy.

Poblacion sa bayan ng Guiguinto. Sa ulat ni Senior Agent Renor Baldovino ng NBI-Bulacan District Office, inireklamo ang suspek sa kasong rape na naganap noong Mayo 12, 2008 at nasundan noong Mayo 20 at Sept. 20, 2008. Napag-alamang nakilala ng biktima ang suspek sa pamamagitan ng text message hanggang sa magkalapit ang kanilang damdamin.

Nang mabuntis ang biktima ay hindi inako ng suspek ang responsabilidad bagkus pinapalaglag pa ang sanggol sa sinapupunan ng biktima. Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon ng biktima. Boy Cruz



[Source]



Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newsfileph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

COMMENT YOUR THOUGHTS BELOW - - - -
Alagad ng Simbahan na si Fr. Roderict Yneco binaboy ang 16 yrs na dalagita Alagad ng Simbahan na si Fr. Roderict Yneco binaboy ang 16 yrs na dalagita Reviewed by DUTERTE DDS on 5:55:00 AM Rating: 5

No comments:

Loading...
Powered by Blogger.