BREAKING NEWS! Suspek sa pagpatay kay Mitzi Joy Balunsay, patay matapos mang-agaw ng baril sa loob ng presinto


Napatay kaninang hapon ng mga pulis ang suspek sa paggahasa, pagpatay at pag-chop-chop sa 2nd year college student na si Mitzi Joy Balunsay.




Ang suspek, na kinilalang si Alvin Delos Angeles, ay matatandaang umamin sa nagawang krimen nito lamang nakaraang linggo

Ayon sa report ng mga residente malapit sa police station kung saan nakakulong si Delos Angeles, nakarinig sila ng humigit-kumulang sampung putok ng baril sa loob mismo ng istasyon, bandang alas tres nang hapon.

Lubos na ipinagdadalamhati ng pamilya ng biktima ang sinapit nito sapagkat ayon sa kanila imposible raw na manlaban pa si Alvin gayong nakakulong na ito. Hindi rin daw marunong gumamit ng baril ang binatilyo.


Ayon sa mga pulis ng nasabing istasyon, biglang binunot ni Delos Angeles ang baril na dala ng jail guard na si PO1 Puriseto Mual nang ito'y mapalapit sa rehas kung saan nakasandal ang suspek.

Nang mabunot ni Delos Angeles ang baril ay itinutok niya di umano sa mismong jail guard at nagsisigaw na magpapaputok siya sa mga pulis.

Nang itinutok ni Delos Angeles sa kapwa preso ang baril, dito na pinaputukan ng mga pulis ang suspek. Nakipagpalitan pa ito ng putok na siya namang ikinatama sa paa ng isang preso.


Tama ng bala sa ulo, dibdib, tiyan at iba't iba pang bahagi ng katawan ang tinamo ni Delos Angeles.

Ilang grupo ng ang kumondena sa insidente at sinasabing baka may nangyaring foul play sa pagkapatay kay Delos Angeles. Hinihintay pa ang autopsy report.

Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad kung meron ngang naganap na foul play sa naturang insidente, at papanagutin ang sinumang sangkot.





Kamakailan lang ay marami ang nagpahiwatig ng sama ng loob sa suspek dahil sa karumal-dumal na ginawa nito sa 2nd year college student na si Mitzi Joy Balunsay.




Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newsfileph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

COMMENT YOUR THOUGHTS BELOW - - - -
BREAKING NEWS! Suspek sa pagpatay kay Mitzi Joy Balunsay, patay matapos mang-agaw ng baril sa loob ng presinto BREAKING NEWS! Suspek sa pagpatay kay Mitzi Joy Balunsay, patay matapos mang-agaw ng baril sa loob ng presinto Reviewed by DUTERTE DDS on 8:36:00 AM Rating: 5

No comments:

Loading...
Powered by Blogger.